Isang lalake timbog matapos mahulihan ng ecstasy tablets sa QC

0
55

Timbog ang isang lalaki na nahulihan ng halos 500 ecstasy tablets na nagkakahalaga ng 1.4 milyong piso.

Nakilala ang suspek na si Arnold Immanuel na target ng nasabing operasyon ng PDEA sa Barangay Bagumbayan, Quezon City.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.