Isang high value target na Chinese national arestado sa buy-bust sa Makati

0
20

Arestado ang isang Chinese national na kabilang sa high value target ng Philippine National Police (PNP) sa Makati City.

Kasunod ito ng buy bust operation na mga otoridad kung saan nakuha ang halos 400 kilo ng shabu o nagkakahalaga ng P2.5-B.

Kinilala ni PNP Spokesman Brig Gen. Bernard Banac ang suspek na si Liu Chao na high value target ng PDEA.

Nahuli ang suspek sa kanyang inuupahang apartment sa Banuyo Street sa Barangay San Antonio kagabi.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban kay Chao habang inaalam na kung sino ang mga kasama nito sa operasyon ng iligal na droga. — ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)