29.5 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Isang heneral ng AFP napipisil ni Duterte na maging bagong pinuno ng NFA

- Advertisement -

Isang heneral mula sa Armed Forces of the Philippines ang napupusuan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipalit kay National Food Authority Administrator Jason Aquino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hinihintay na lamang ng Pangulo ang takdang panahon na makapagretiro ang heneral.

Tatlong buwan na aniyang lumutang ang pangalan ng heneral at matagal na ring naghahanap ang Presidente ng ipapalit kay Aquino.

Pero tumanggi ang kalihim na kumpirmahin kung si AFP Chief of Staff Carlito Galvez ang tinutukoy nito.

Si Galvez ay malapit ng magretiro sa serbisyo.

Sinabi ni Roque na ang katapatan at disiplina ng mga opisyal na  sundalo at pulis  ang isa sa tinitingnan ng Pangulo sa pagkuha ng mga itinatalaga sa iba’t ibang puwesto sa gobyerno, maliban sa kakilala  at nakatrabaho niya ang mga ito na karamihan ay mula sa Task Force Davao.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -