Isang gusali sa Mumbai, India gumuho, 10 katao nasawi

0
18

Hindi bababa sa 10 katao ang nasawi at 11 ang sugatan sa pagguho ng isang tatlong palapag na residential building sa Mumbai City, India.

Habang pinangangambahan nasa 25 hanggang 26 na pamilya pa ang naipit sa ilalim ng guho.

Batay sa salaysay ng isa sa mga residente sa gusali, nakarinig sila ng ingay at napansin ang mga crack sa sahig bago nangyari ang pagguho.

Sa ngayon hindi pa tukoy ang dahilan ng trahedya, bagama’t kadalasang isinisisi sa malakas na pag-ulan ang mga insidente ng pagguho ng mga gusali sa india.