28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Ilang produktong pagkain na ‘di rehistrado sa FDA ibinabala

- Advertisement -

Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili ng ilang produktong pagkain na hindi rehistrado sa ahensya.

Sinabi ng FDA na hindi matitiyak na ligtas ang isang pagkain kung hindi dumadan sa pagsusuri ng FDA.

Kabilang dito ang CV Campville’s Delicious Apas, CV Campville’s Special Pinagong, Nicefoods Orange Drops Soft Candy, Candy Boy Moooo Sweetened Milk Powder, Candy Boy Moooo Sweetened Milk Choco Powder, Yamy Spicy Peanut with Dilis, Biomagic Green Tea, Sariaya Bread House Puto Seko, CV Campville’s Special Tikoy.

Bukod pa ito sa Homemade Tamarind Spicy, W.L Sweet Dart Nester Chocolate Candy, W.L Sweet Dart Royal Orange Candy, MJ Magic Special Misua, MJ Magic Secial Odong at Chum Sardines in Tomato Sauce with Chili.

Dahil dito, pinayuhan ng FDA ang publiko na huwag tangkilikin ang mga nasabing produkto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -