Isang empleyado sa PIDS kabilang sa mga nagpositibo sa COVID-19

0
11

Isang empleyado ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ang kabilang sa mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma mismo ng nabanggit na Government Owned and Controlled Company (GOCC).

Sa ipinalabas na abiso ng PIDS, kanilang sinabi na kasalukuyan nang naka-confine sa hindi tinukoy na ospital ang nabanggit nilang empleyado.

Tiniyak din ng institusyon na nagpatupad na sila ng mga preventive measure tulad ng work from home policy para sa kanilang mga empleyado hanggang Marso 19.

Nagkaroon na rin anila ng disinfection sa lahat ng working stations at mga common areas sa buong gusali na kinaroroon ng kumpanya.

Dagdag ng PIDS, nagsimula na rin ang contact tracing sa lahat ng mga nakasalamuha ng nagpositibo nilang empleyado.