27.8 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Isang dayuhan patay sa sunog sa Malate, Maynila

- Advertisement -

Patay ang isang ‘di pa pinangalanang dayuhan matapos ang naganap na sunog sa ikapitong palapag ng Legaspi Tower sa Malate, Maynila na umabot sa ika-apat na alarma.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), tumalon mula sa gusali ang biktima at bumagsak sa veranda ng ikaapat na palapag.

Naisugod pa umano sa pagamutan ang dayuhan ngunit binawian din ng buhay.

Tumagal ng mahigit dalawang oras ang sunog bago tuluyang idineklarang fire out ng BFP, pasado ala-syete kagabi.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyaring insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -