Isang Chinese coast guard vessel na naman ang namataan sa Ayungin Shoal — Wescom

0
46

Muli na namang na ispatan ang isang Chinese coast guard vessel sa Ayungin Shoal na sakop ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ).

Ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines Western Command (Wescom), nakatigil lamang ang naturang barko halos tatlong linggo sa nasabing dako.

Unang nakita ang barko noong Agosto 1, at umaalis lamang ito sa lugar kapag nauubusan na ng supplies.

Posible anilang andun ang naturang barko para i-monitor ang sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Sa kabila ng presensiya ng Chinese coast guard ay nagpapatuloy pa rin ang malayang pagkilos ng mga mangingisdang Pilipino sa loob ng shoal.