Isang bata patay matapos masunog sa Quezon City

0
13

Isang apat na taong gulang na bata ang nasawi matapos masunog sa isang bakanteng lote sa Barangay Silangan, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si John Andrei Yapit na batay sa CCTV footage ay nakitang nakikipaghabulan sa isa pang bata noong linggo ng hapon papunta sa isang bakanteng lote na madalas paglaruan ng iba pang mga bata sa lugar.

Subalit makalipas ang ilang saglit ay nakita sa CCTV na mag isa na lamang lumabas ng bakanteng lote ang mas malaking bata at nakita rin itong bago tuluyang umalis ay sumilip muna sa bakod ng bakanteng lote.

Rumesponde naman ang mga bumbero matapos mag apoy ang bakanteng lote na hindi na nahagip ng CCTV at dito nakita ng mga bumbero ang sunog na sunog na katawan ni Yapit.

Sinasabing mayroong special needs ang 11 anyos na batang nakitang huling kasama ni Yapit.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.