Isang barangay sa Caloocan City isinailalim sa lockdown

0
16

Isinailalim na sa total lockdown ang isang barangay sa lungsod ng Caloocan dahil sa tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan inilagay sa lockdown ang barangay 93 mula noon pang linggo hanggang sa darating na Sabado, Hulyo 18.

Ito ay matapos na maitala ang 28 kaso ng COVID-19 sa nabanggit na barangay.

Sa pag-iral ng total lockdown, sinabi ni malapitan na magsasagawa sila ng contact tracing, at mass testing sa nasabing barangay upang maiwasan pa ang tuluyang pagkalat ng virus.