34.5 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Isang adviser ni Duterte tiwalang hindi na palalawigin pa ang ECQ

- Advertisement -

Kumpiyansa si Presidential Adviser on Entrepreneurship Jose Ma. “Joey” Concepcion na hindi na palalawigin pa ni Pang. Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Concepcion, tiwala siya na magtatapos na ang ECQ sa Mayo 15 matapos ang dalawang beses na extension nito dahil sa patuloy pa ring pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi nito, maging sa China— na itinuturing na pinagmulan ng virus ay dalawang buwan lamang ipinatupad ang malawakang quarantine.

Dagdag pa nito, mataas na rin kasi ang testing capacity ng bansa kaya’t mataas ang tyansa na ma-flatten na ang curve ng COVID-19 cases.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -