Isang abogado naghain ng petisyon para isapubliko ang health records ni Duterte

0
25

“Bring it on”, ang sagot ni Presidential Spokesman Harry Roque sa inihaing petisyon ng isang abogado sa Korte Suprema para sa health records ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Hinihiling sa petisyon na atasan ng hukuman ang Malakanyang na isapubliko ang health records ng Pangulo mula nang maupo bilang Pangulo.

Nais rin ni Atty Dino De Leon na atasan ng hukuman ang Pangulo na sumailalim sa confirmatory tests para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Roque, kung mayroon mang karamdaman ang Pangulo, ito ay karamdaman na normal sa mga 75 taong gulang na.

Hndi anya ito mga seryosong sakit kaya’t hindi kailangang i-report sa taongbayan.

Kumpiyansa si Roque na ibabasura lamang ng Korte Suprema ang petisyon.