31.1 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Isabela at Cagayan nakahanda na sa posibleng pag landfall ng bagyong Ramon

- Advertisement -

Nakaantabay na ang mga rescue teams ng mga lalawigan ng Isabela at Cagayan bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Ramon.

Ayon sa Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), katuwang nila sa paghahanda ang militar, pulisya, at mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Nakaantabay na rin anila ang mga relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Samantala nagpatupad na ng preemptive evacuation ang lokal na pamahalaan ng Santa Praxedes, Cagayan.

Ayon sa Cagayan PDRRMO,  nasalanta na rin ng bagyong Quiel ang Santa Praxedes kaya doble ingat ang mga residente doon.

Maliban dito, patuloy din nilang minomonitor ang kalagayan ng mga bayan ng Sta. Ana, Lal-l, at Gattaran, na mga floof prone areas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -