Isa sa mga tren ng MRT nakaranas ng electrical failure

0
51

Maagang naperwisyo ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT)-3 matapos makaranas ng electrical failure ang motor ng isa sa mga tren.

Dakong alas-6:23 ng umaga, mahigit sa walong daang (800) pasahero ng MRT sa southbound ng Guadalupe Station.

Ayon sa MRT-3 Management, maaaring luma na ang electrical sub components ng tren kaya’t nagkaroon ito ng aberya.

Nakasakay rin naman sa sumunod na tren ang mga pasahero makalipas lang ang siyam na minuto.

—-