28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Isa sa mga suspek sa Cotabato blast hawak na ng PNP

- Advertisement -

Sasampahan na ng kaso anumang araw mula ngayon ang isa sa dalawang suspek sa nangyaring pagpapasabog sa SouthSeas Mall sa Cotabato City nuong bisperas ng Bagong Taon.

Iyan ang inihayag ni Police Regional Office 12 Director C/Supt. Eliseo Tam Rasco makaraang kumpirmahin nito na isinuko na ng kaniyang pamilya si Salipudin Pasandalan.

Sa Pulong Balitaan sa Kampo Crame kanina, sinabi ni Rasco na sinamahan ng kaniyang pamilya ang Limampu’t Anim na si Pasandalan matapos mapanood ang kaniyang mukha sa Telebisyon.

Nangamba umano sa kaniyang kaligtasan si Pasandalan at ang kaniyang pamilya kaya’t nagpasya na silang lumutang na nuong Linggo, Enero 6 sa tulong na rin ng dalawang Abogado nito at mariing itinanggi nito ang pagkakasangkot sa krimen.

Pero giit ni Rasco, mayruong mga Ebidensyang magdiriin kay Pasandalan dahil nakita silang magkasama sa palikuran ng isa pang suspek na nakita rin sa CCTV na may dalang bomba bago ang pagsabog.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -