Sunday, May 5, 2024

Isa sa mga nagpositibo sa COVID-19 residente ng Pasig —mayor

- Advertisement -

Isa sa mga nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) ang residente ng Pasig City.

Nilinaw ito ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang post sa Facebook.

Gayunman, nakaconfine ito anya sa isang pribadong ospital na nasa labas ng Pasig City.

Meron anyang isa pang kaso ng COVID-19 sa Pasig na nakaconfine ngayon sa Medical City subalit hindi ito residente ng  kanilang syudad.

Ang dalawang nabanggit na kaso ay kabilang sa 10 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Tiniyak ni Sotto na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Health (DOH) upang hindi kumalat ang COVID-19 sa syudad.

Nagpapatupad na rin anya sila ng precautionary measures tulad ng contact tracing, dedicated response teams, pag-disinfect, kanselasyon ng public events at gatherings at pagpapahinto muna sa pagbibigay ng permit sa mga malakihang events.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img