27.8 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Isa patay sa sunog sa Pasay City

- Advertisement -

Isa ang patay matapos masunog ang isang apartment sa bahagi ng Suerte Street Fb Harrison sa pasay City kagabi.

Ayon kay Pasay City Fire Marshal John Pinagod, natagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima sa ikalawang palapag ng nasunog na apartment.

Batay sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog pasado alas diyes ng gabi sa unit na tinutuluyan ng isang seaman.

Mabilis na kumalat ang apoy dahilan kaya agad na itinaas ito sa ikatlong alarma.

Alas onse trese kagabi nang tuluyan namang maapula ang sunog.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng mga ari-arian naabo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -