Isa patay sa sunog sa Paco, Manila

0
16

Patay ang isa katao matapos matrap sa nasusunog na residential building sa Paco, Manila.

Ayon sa mga otoridad, nakulong sa palikuran ng bahay ang biktima na si Ruel Camero.

Dagdag pa ni Police Col. Sam Cayabyab ng Manila Police District, duguang lumabas sa bahay ang live in partner ng biktima.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang sunog.

Idineklara itong fire out ganap na alas onse trenta y uno ng umaga.

Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang sunog. — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)