Isa patay matapos pagbabarilin sa Cavite

0
63

Patay ang isang miyembro ng Labor Alliance Partido Manggagawa matapos pagbabarilin sa Tanza, Cavite.

Batay sa ulat, nasa kalagitnaan ng panayam ang biktimang si Dennis Sequena nang siya ay pagbabarilin ng di pa nakikilalang mga kalalakihan sakay ng isang motorsiklo, sa pagitan ng alas 10:30 hanggang alas 11:30 ng umaga sa Barangay Bunga.

Agad namang dinala ang biktima sa General Trias Maternity and Pediatric Hospital sa Cavite na kalanuan ay binawian rin ng buhay habang ito ay sumasailalim sa panggagamot.