Isa pang Pilipina Kandidata na sa pagiging Santa

0
49

Isa na namang pilipina ang posibleng mapa-hanay sa mga kandidato sa pagka-santo ng simbahang Katolika

Ito’y makaraang pormal nang ideklara ni Pope Francis si Mother Francisca Del Espiritu Santo De Fuentes bilang isang Venerable o ang unang hakbang sa pagka-santo

Kinilala ng Santo Papa si Mother Francisca bilang isa sa mga nagtatag ng Dominican Sisters of St. Catherine of Siena at namuhay bilang isang Kristiyano at Bayani

Pero nilinaw ng CBCP o Catholic Bishop’s Conference of the Philippines na kailangan ding kilalanin muna ng Santo Papa ang isang milagro na nag-uugnay kay Mother Francisca bago ito tuluyang hirangin bilang isang BEATA o ang ikalawang hakbang sa pagka-santo

Pumanaw nuong 1711, nakalagak ang labi ni Mother Francisca sa kapilya ng Colegio De San Juan De Letran sa Intramuros, Maynila