Isa pang NBA player nagpositibo sa COVID-19

0
32

Nagpahayag ng kahandaan sa pagbabalik ng NBA season si Sacramento Kings forward Jabari Parker kahit nagpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa 25-anyos na manlalaro, kasalukuyan na siyang nagpapagaling at bumubuti na rin ang kanyang pakiramdam.

Matatandaang itinapon ng Atlanta Hawks sina Parker at center Alex Len sa

Kings noong Pebrero 6 kapalit ni center Dewayne Dedmon at sa dalawang second-round draft picks.