IRR ng UHC Law lalagdaan na bukas — Duque

0
12

Lalagdaan na bukas, October 10, Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Universal Health Care (UHC) Law.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, pangunahing nakasaad sa IRR ang otomatikong eligibility ng lahat ng mga Pilipino sa National Health Insurance Program.

Kasabay nito ay tiniyak ni Duque na mayroon silang mga inilatag na mekanismo upang maiwasan ang mga katiwalian at pandaraya sa PhilHealth na syang magpapatupad sa Universal Health Care sa susunod na taon.

Matatandaan na ilang opisyal ng PhilHealth ang kinasuhan dahil sa isyu ng ghost dialysis. — ulat ni Aya Yupangco (Patro 5)