Irigueñong Cake Artist, Grand Winner sa World Food Expo Cake Creation Contest

0
8

Wagi ang isang 25-anyos na Irigueño sa katatapos lang na World Food Expo 2024 Cake Creation Contest – Bicol Edition na ginawa sa Albay nitong Marso 2, 2024.

Nasungkit ni Phil Kenno Reyes ng San Francisco Iriga City ang unang pwesto sa nasabing patimpalak na may temang “Adventure Around Bicol Region”.

Naipanalo ni Reyes, isang cake artist, ang ginawa n’yang dekorasyon tampok ang Mayon Volcano, sili, Mount Iriga na may bulaklak na raflesia, pamosong Antipolo Century tree sa Baao Camsur, at butanding sa Sorsogon.

First time sumali ni Reyes sa cake creation contest kaya laking tuwa n’ya ng makuha ang unang pwesto. Nag uwi s’ya ng cash prize na P 10,000.00, plaque, at sash.

Kwento niya, nagsimula s’yang gumawa ng cake taong 2018 hanggang sa magtuloy-tuloy na ang pagkahumaling n’ya sa paggawa nito ngayon.

Plano ni Reyes na sumali sa isa pang International cake and bake show sa bansa na gaganapin sa Nobyembre.

Mensahe n’ya sa mga nagsisimula pa lang sa pagkahilig sa baking, “continue learning at huwag susuko”.

(Emman Lumapag)

Leave a Reply