Iriga: ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐Ÿฐ๐—ฃ๐˜€, ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ผ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—น ๐—–๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ป-๐—จ๐—ฝ ๐——๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ผ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ด๐—ผ๐—ป

0
14

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Womenโ€™s Month, ipinamalas ng 610 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Brgy. Talisay, Brgy. Sirangan, at Brgy. Sampaloc ang kanilang malasakit sa kalikasan at komunidad sa isang Coastal Clean-Up Drive na ginanap sa Rompeolas, Brgy. Talisay, Sorsogon City noong Marso 18, 2025.

Sa pangunguna ng 4Ps City Operations Office (COO) ng Sorsogon, katuwang ang Lokal na Pamahalaan at ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO), pinatunayan ng mga kababaihan na sila ay hindi lamang ilaw ng tahanan kundi mahalagang tagapagtaguyod din ng kalinisan at kaunlaran ng kanilang kapaligiran.

Sinimulan ang aktibidad sa isang masiglang zumba session, na pinangunahan ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) at 4Ps, kasama ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG). Pagkatapos nito, sama-samang nilinis ng mga lumahok ang dalampasigan, ipinapakita ang kanilang dedikasyon sa isang mas malinis at mas ligtas na kapaligiran.

Matapos ang coastal clean-up, sama-samang pinagsaluhan ng mga kalahok ang mainit na lugaw at tinapay. At bilang pagpapahalaga naman sa kontribusyon ng kababaihan sa pag-unlad ng Sorsogon City, handog ng LGU ang grocery packs upang maiuwi nila sa kanilang mga pamilya.

(Source: DSWD Bicol Press Release)

Leave a Reply