Iriga: Warrant of arrest, pormal ng inihain sa itinuturing na No. 1 Municipal Most Wanted Person ng Nabua

0
6

Bandang alas-10:30 ng umaga, April 1, 2023, La Purisima, Iriga City, pormal ng inihain ng mga personahe ng Nabua Municipal Police Station ang Warrant of Arrest sa itinuturing na No. 1 Municipal Most Wanted Person ng Nabua.

Ang naturang Warrant of Arrest ay ipinalabas ng RTC BR. 36 para sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), sa ilalim ng Criminal Case #IR-11658 at walang piyansang inirekomenda para rito.

Ang akusado ay tatlumpu’t pitong (37) taong gulang, may kinakasama, at residente ng Brgy. La Opinion, Nabua, Camarines Sur.

Ang Nabua MPS sa pamumuno ni PLTCOL JAN KING S CALIPAY, OIC, ay nagpapasalamat sa komunidad sa patuloy na pagbibigay impormasyon upang masugpo ang kriminalidad sa bayan ng Nabua.

Kung may nais po kayong idulog na krimen, maaari po kayong magtungo sa himpilan ng pulis sa bayan ng Nabua. (Jv Navarro Verdeflor Jr source: Nabua Municipal Police Station)

Leave a Reply