Iriga: Wanted Person sa Rape Case, Naaresto matapos ang 11 taong Pagtatago sa Camarines Sur

    0
    6

    Natapos na ang labing-isang (11) taong pagtatago ng isang indibidwal na wanted sa kasong panggagahasa matapos itong maaresto ng kapulisan sa isinagawang pagsisilbi ng warrant of arrest noong Abril 6, 2026 sa Sipocot, Camarines Sur.

    Pinangunahan ang operasyon ni PLT Kevin B Yago-an ng 503rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB 5) Tracker Team, katuwang ang mga operatiba ng Sipocot MPS, Camarines Sur Police Provincial Office, at Sta. Elena MPS ng Camarines Norte.

    Batay sa ulat, ang suspek ay nahaharap sa kasong rape at kabilang sa mga prayoridad na target ng mga awtoridad. Sa bisa ng kautusan mula sa hukuman, isinagawa ang operasyon na nagresulta sa kanyang agarang pagkakaaresto.

    Hindi na nakapanlaban ang akusado nang siya ay matagpuan sa kanyang pinagtataguan. Ipinaalam sa kanya ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto gayundin ang kanyang mga Karapatang Konstitusyonal. Kaagad din siyang dinala sa Sipocot MPS para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon.

    Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL Rodelon A Betita, Acting Force Commander ng RMFB, na tiniyak ang maayos na koordinasyon ng iba’t ibang yunit, isang mahalagang salik sa tagumpay ng operasyon.

    Samantala, hinihikayat ng kapulisan ang publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon ukol sa mga pinaghahanap ng batas upang higit pang mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad.

    Ang Police Regional Office 5 sa pangunguna ni PBGEN Erosito N Miranda, Regional Director, kasama ang lahat ng yunit nito, ay patuloy na nagsasagawa ng mas pinaigting na operasyon upang tugisin ang mga wanted na indibidwal. Ito ay alinsunod sa pinalakas na PNP Focused Agenda, partikular ang Enhanced Managing Police Operations.

    Source: PNP Kasurog Bicol

    Leave a Reply