Iriga: TS Kong-rey, inaaasahang papasok ng PAR sa Linggo

0
15
photo courtesy of Albay PIO

Inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa araw ng Linggo, ika-27 ng Oktubre, si Tropical Storm (TS) Kong-rey (international name).

Ayon sa Track and Intensity Forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahan itong lalakas pa bilang Severe Tropical Storm (STS) bago ito pumasok ng PAR sa Linggo.

Papalakasin pa nito ang Southwesterly windflow na una nang na-trigger ni STS Kristine.

Magpapaulan ito sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao sa mga susunod na araw.

Sa oras na pumasok na ito ng PAR, tatawagin ito sa local name na “Leon”.

Sa pinakahuling monitoring ng ahensya, namataan si TS Kong-rey sa layong 2,355 km silangan ng timog-silangang Luzon, sa labas pa rin ng PAR.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 km/h mula sa gitna, pagbugso na umaabot sa 80 km/h, at central pressure na 1000 hPa.

Patuloy ang pagkilos nito ngayon pa-hilagang-kanluran sa bilis na 35 km/h.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply