Iriga: The national government is ready to aid Mayon-affected communities

0
20

Sa panayam kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, sinisiguro ngayon ng pamahalaan ang kahandaan para sa paglakas pa ng aktibidad ng Bulkang Mayon sa pamamagitan ng patuloy na supply ng food at non-food items para sa mga lumikas na komunidad sa mula sa mga apektadong bayan sa Albay.

Ang pagbisita ng kalihim ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na gawing mabilis ang pagbibigay ng kaukulang tulong at pagsasagawa ng recovery efforts kung tumaas pa ang alert level ng Mayon.

Sa ngayon, higit P4.7 milyon na tulong na ang naipamahagi kasabay ng request ng mga LGUs. Kabilang dito ang 960 ready-to-eat food boxes, 2,880 family food packs at 1,920 non-food items.Mayroon din 27 family tents na naipamahahi sa LGU Camalig. Ayon ito sa latest DROMIC report ng DSWD Bicol.

Source: PIA Bicol

Leave a Reply