Legazpi City – Mas humihina pa si Severe Tropical Storm (STS) habang patuloy na kumikilos pa-hilagang-kanluran sa may West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), taglay na lamang nito ngayon ang lakas ng hangin na 95 km/h malapit sa gitna, at pagbugso na umaabot sa 115 km/h.
Huling namataan si STS Nika sa layong 190 km kanluran hilagang-kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.
Patuloy ang pagkilos nito ngayon pa-hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.
Base sa Track and Intensity Forecast ng ahensya, patuloy na kikilos ni STS Nika pahilagang-kanluran sa bahagi ng WPS at tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na 12 oras.
Mananatili itong STS habang binabaybay ang PAR region.
(Source: Albay PIO)