Tumaas na sa 2,450 ang kabuuang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan sa Bicol dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na dala ni Tropical Storm (TS) Kristine.
Sa inilabas na update ng Coast Guard District Bicol kaninang alas-12 ng tanghale, naitala ang malaking paglobo ng bilang ng mga m pasahero sa Matnog Port na pumalo na sa 1,143, at sinundan naman ng Tabaco Port na mayroong 752.
Naiulat naman ang 272 na stranded passengers sa Pio Duran Port sa Albay, 196 sa Pilar Port at 2 sa Bulan Port sa Sorsogon, 14 mula sa Pasacao Port sa Camarines Sur, 12 ang sa Virac Port sa Catanduanes, habang 56 naman sa Masbate City Port/ Mobo Port at 3 sa San Jacinto Port sa Masbate.
Samantala, mula sa 162 na naiulat kaninang alas-8 ng umaga ay bumaba na sa 150 ang bilang ng stranded rolling cargoes sa mga pantalan sa Pio Duran, Pasacao, Virac, Masbate City/Mobo, San Jacinto, at Matnog.
(Source: Albay PIO)