28.8 C
Manila
Monday, February 26, 2024

Iriga: Sto. Niño National High School tinanghal na overall champion sa Tinagba Street Dance Exhibition

- Advertisement -

Sa katatapos lang na Tinagba Festival Street Dance Exhibition sa Lungsod ng Iriga kahapon, Pebrero 11, 2024.

Nasungkit ng nasabing paaralan mula sa Brgy. Sto. Niño Iriga City ang Best in Festival Costume, Best in Tinagba Festival Queen at itinanghal bilang kampeonato sa Tinagba Festival Street Dance Exhibition.

Kaugnay nito, nakuha naman ng Zeferino Arroyo High School mula sa San Agustin Iriga City ang pangalawang pwesto (2nd place) sa Street Dance Exhibition.

Itinanghal naman bilang Best in Moving Choreography at ikatlong pwesto sa Street Dance Exhibition ang San Antonio National High School.

Ngayong taon, walong (competing contingents mula sa iba’t ibang pansekondaryang paaralan sa Lungsod ng Iriga ang sumali sa nasabing patimpalak.

Ang Tinagba Street Dance Competition ay taunang ginagawa kaugnay sa pagdiriwang ng Tinagba Festival sa lungsod ng Iriga. (Emman L.)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -