Naging matagumpay ang paglulunsad ng ikalawang Barangay Information and Outreach Network (BION) Summit sa Bicol at kauna-unahan sa lalawigan ng Sorsogon nitong Nobyembre 18, 2025 sa Sorsogon Provincial Gymnasium sa Sorsogon City. Pinangunahan ito ng Presidential Communications Office sa pamamagitan ng Philippine Information Agency katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon.
Tinalakay sa aktibidad ang mahahalagang paksa kaugnay ng tungkulin ng mga naturang opisyal, kabilang ang pagbibigay-kaalaman sa panahon ng sakuna at krisis, pati na rin ang tamang pamamaraan ng paghahatid ng wasto at napapanahong impormasyon sa mga mamamayan.
Ang BION Summit 2025 ay bahagi ng mas pinaigting na programa ng pamahalaan na naglalayong hubugin at palakasin ang kakayahan ng mga barangay information officers.
Humigit-kumulang 300 ang kalahok mula sa iba’t ibang barangay sa probinsya ng Sorsogon ang dumalo sa BION Summit 2025.
Source: PIA Bicol Region
