Iriga: Seminar sa gov’t service vehicle management, isasagawa sa Albay

    0
    0

    Magsasagawa ng seminar ang Pamahalaang Lokal ng Albay hinggil sa maayos na pag mentina ng mga pampamahalaang sasakyan sa ngayong na ika-28 ng Abril sa Old SPA Session Hall.

    Layunin ng inisyatibong ito, sa ilalim ng direktiba ni Provincial Administrator Engr. Raul E. Rosal, na matiyak ang maayos na paggamit ng mga service vehicles ng probinsya.

    Tatalakayin sa seminar ang mga paksa hinggil sa maintenance at management, regulatory compliance, maging ang mga insurance policies para sa mas maayos at accountable na operasyon.

    Layunin din ng aktibidad na itaas ang antas ng kaalaman ng mga kawani ng kapitolyo sa tamang pangangalaga ng mga ari-arian ng gobyerno tungo sa mas ligtas at epektibong serbisyo-publiko.

    Source: Albay PIO Intern

    Leave a Reply