31.6 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Iriga: School Project na Hydroponic Farming ng apat na magkaklase sa Albay, pinagkakakitaan na

- Advertisement -

Taon 2021 nang magkahilig ang 20 anyos at estudyanteng si Wilson Loquinario ng Taysan, Legazpi City sa hydroponic farming. Dahil kailangan ng greenhouse sa hydroponic farming, nagtrabaho muna siya bilang isang construction worker para makaipon ng pera at makapagpatayo ng maliit na greenhouse. Noong naitayo na ang greenhouse ay nagsimula siyang magtanim ng mga litsugas gamit lamang ang pet bottles. Pang personal consumption lang raw ang unang plano niya sa kanyang farming pero bumenta ito at nakapag-upgrade siya ng mga growbox.

Visit RPN DZKI Iriga

Nasa ikatlong taon na sa Bicol University College of Agriculture and Forestry (BUCAF) sa kursong Bachelor of Science in Agribusiness si Wilson at nitong taon ay nagkaroon siya ng Enterprise Development Project. Kasama ang tatlo pang kaklase ay bumuo sila ng business partnership bilang bahagi ng school project kung saan gumawa sila ng mas malaking greenhouse.

“Actually partnership form of business organization po yung hydroponic business namin kasi apat po kami. Bale school requirement po siya na ang objective is to allow us to experience actual establishment of enterprise along with the knowledge we gain from our course which is Agribusiness.”

Gumastos sila ng 20-25K para sa greenhouse habang 5k naman sa production cost. Naghati-hati sila ng ginastos para sa greenhouse at production cost at ngayong linggo ay aanihin na nila ang kanilang first production cycle.

Para kay Wilson, malaking tulong sa kanyang pag-aaral ang hilig niya sa hydroponic farming. Ito raw ang nagtustos sa kanyang pag-aaral. Hindi rin raw mahirap pagsabayin ang pagtatanim sa kanyang pag-aaral.

“Wala po ako masyadong struggle na naranasan sa hydroponic farming kasi very flexible po siya kasi it only needs low management, di mo kailangan bantayan, sprayan ng pesticide and insecticide kaya nababalanse ko po ang pagtatanim at pagaaral ko. I’m happy kasi dahil sa pagtatanim ko nasusustain niya yung pagaaral ko galing sa nagegenerate kong profit.”

(Source: Bicol PH)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -