31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Iriga: RPCADU5 nakiisa sa Symposium on Students Welfare and Development na isinagawa ng La Purisima National High School

- Advertisement -

Nakiisa ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 5 sa isinagawang Symposium on Students Welfare and Development ng La Purisima National High School sa Barangay La Purisima, Nabua, Camarines Sur nito lamang Biyernes.

Ang naturang aktibidad ay may temang “Disiplina at Responsibilidad Hamon sa Pangarap” na pinangunahan ng La Purisima National High School katuwang ang mga personahe ng RPCADU5, DepEd Camarines Sur, Municipal Health Office at Nabua Municipal Police Station.

Naglektura si PSSg Mercolito Lovendino Jr at si PCpl Thaddeus Quintana ng RPCADU5 sa mga estudyante mula Grade 7 hanggang Grade 12 patungkol sa masamang maidulot sa pagsali sa Left Leaning Organizations at sa epekto ng paggamit ng ilegal na droga.

Makikita sa mga estudyante ang sobrang tuwa at kooperasyon patungkol sa lektura. Namigay pa ng premyo ang nasabing grupo sa mga estudyanteng nakakasagot sa mga katanungan patungkol sa nasabing lektura.

Nagbigay din ng mensahe ang ilang estudyante patungkol sa kanilang natutunan sa naturang aktibidad. (Jv Navarro Verdeflor Jr.via PCADG Bicol Region)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -