Upang matiyak ang mas epektibong pagpapatupad ng batas at mataas na antas ng serbisyo sa publiko, patuloy ang pagsasagawa ng inspeksyon si PBGEN ANDRE P DIZON, RD, PRO5 sa mga himpilan ng pulisya sa rehiyon ng Bicol.
Ngayong araw, Mayo 27, 2025, ay personal na binisita ni RD Dizon ang Rapu-Rapu Municipal Police Station sa lalawigan ng Albay. Ang kanyang pagbisita ay bahagi ng kanyang regular na unit visitation program na layuning masuri ang kalagayan ng mga estasyon ng pulisya, makita ang pangangailangan ng mga tauhan, at palakasin ang kanilang moral.
Sa kanyang talk-to-personnel, pinaalalahanan ni RD Dizon ang mga kapulisan hinggil sa kanilang tungkulin bilang tagapangalaga ng kapayapaan at kaayusan. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng disiplina, integridad, at tapat na paglilingkod sa komunidad. Nagpahayag din siya ng kanyang suporta sa mga kasapi ng pulisya, lalo na sa mga nagtatalaga sa malalayong lugar tulad ng Rapu-Rapu.
Ang patuloy na pag-iikot ni RD DIZON sa mga police station ay nagpapakita ng kanyang malasakit at dedikasyon upang matiyak na ang bawat pulis ay may sapat na suporta at inspirasyon sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Source: PNP Kasurog Bicol
