Iriga: Ranked No. 3 Municipal Most Wanted Person sa Baao, Camarines Sur, arestado

0
17

Sa pinaigting na kampanya ng Baao Municipal Police Station laban sa mga taong pinaghahanap ng batas, arestado ang isang lalake sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng 5th Judicial Region, Branch 37, Iriga City sa kasong Possession of Dangerous Drugs (RA 9165, Article II, Section 11 with Case no. IR-16595).

Bandang 10:00 ng gabi ika-11 ng Mayo taong 2023, arestado ng Baao PNP sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ DENNIS G QUINDARA, OIC, ang No. 3 Municipal Most Wanted Person na si alyas “TOTOY”, 45 taong gulang, walang trabaho, residente ng Zone 3, Brgy San Juan, Baao, Camarines Sur. Siya ay inaresto sa kanyang pansamantalang tinutuluyan sa Brgy Nababarera ng nasabing bayan. Ang kanyang kaso ay may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Two Hundred Thousand Pesos (Php 200,000.00).

Ang arestadong suspek ay binasahan ng kanyang mga karapatan na naaayon sa batas at kasalukuyang nasa kostudiya na ng Baao Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Hinihikayat ng Baao MPS sa pangunguna ni PMAJ DENNIS G QUINDARA, Officer-In-Charge, ang taumbayan na patuloy na makiisa sa mga layunin nitong gawing mapayapa at maayos ang ating bayan sa pamamagitan ng pagsugpo sa kriminalidad at anumang illegal na gawain. Kung kaya huwag po tayong mag-atubiling magbigay ng impormasyon ukol sa mga taong pinaghahanap ng batas.

Hinihikayat din natin ang sinumang may Warrant of Arrest na sumuko na upang patunayan nila sa korte na handa nilang harapin at maipagtanggol ang kanilang sarili sa anumang inaakusa laban sa kanila. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via Baao MPS CSPPO, photo credits to the owner)

Leave a Reply