Iriga: Provincial School Board, nakatakdang bigyan ng pagkilala ang mga Albayano student-athletes matapos ang tagumpay sa Palarong Bikol ’24

0
9
Photo courtesy of Albay Provincial Information Office)

Nakatakdang bigyang ng pagkilala ng Provincial School Board (PSB) ang mga student-athletes sa lalawigan kasunod ng tagumpay nito sa Palarong Bikol 2024 na ginanap sa lalawigan.

Ayon kay Albay Division Sports Officer Dan Murillo, ang mga student-athletes na kumatawan sa Albay Division sa Palarong Bikol ay nagtapos sa ikalawang puwesto mula sa ika-anim na puwesto noong nakaraang taon.

Kaya naman nararapat lamang umano na suklian ang husay at tibay na ipinamalas ng mga batang atleta.

Sa kabuuan, nakamit ng Albay Division ang 215 na mga medalya mula sa iba’t ibang sports events, kabilang rito ang 70 gold, 69 silver, at 76 bronze.

Bukod pa rito, nag-uwi rin ng karangalan ang Albay bilang Cleanest and Greenest Team para sa dalawang sports venues, ang isa ay sa lungsod ng Tabaco at isa naman sa lungsod ng Legazpi.

Kaugnay nito, patuloy na pinag-aaralan ngayon ng PSB ang pagbibigay ng insentibo sa mga ito para sa nakamit na tagumpay.

(Source: Albay Provincial Information Office)

Leave a Reply