Iriga: Produktibo at makulay na Pre-deployment Activity ng mga Tutors at YDWs, inilunsad sa DCOMC Daraga, Albay

    0
    4

    Puno ng enerhiya, pagkatuto, at paghahanda ang isinagawang Pre-deployment Activity ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP) nitong ika-9 ng Mayo 2026 sa Daraga Community College (DCOMC), katuwang ang lokal na pamahalaan at mga pampublikong kolehiyo sa Daraga, Albay.

    Muling nagsama-sama ang mga Tutors at Youth Development Workers (YDWs) bilang paghahanda sa nalalapit na 20-day tutoring at parenting sessions mula Mayo 11 hanggang Hunyo 5, 2026. Tinalakay sa aktibidad ang mahahalagang usapin sa pagtuturo sa mga bata at magulang bilang tutors at facilitators ng programa.

    Naging mas makulay ang aktibidad sa isinagawang return demonstrations ng mga tutors sa pangunguna ng extension services ng DCOMC, katuwang ang mga piling top-performing Tutors noong pilot implementation ng programa noong 2025. Nagpakita ang mga kalahok ng pagkamalikhain at dedikasyon sa paggawa ng instructional materials, lesson plans, at mock tutoring sessions.

    Sa mensahe ni College Administrator Joey Zamora, kaniyang pinasalamatan ang DSWD sa patuloy na pagbibigay ng oportunidad at suporta sa mga Kabataan sa Bagong Pilipinas, lalo na sa mga mag-aaral ng DCOMC. Hinikayat din niya ang mga kalahok na magturo nang may malasakit, responsibilidad, at puso upang matiyak ang makabuluhang pagkatuto ng mga bata.

    Inaasahang higit pang mapalalakas ng aktibidad na ito ang kahandaan at kumpiyansa ng mga tutors at YDWs sa kanilang nalalapit na deployment sa komunidad.

    Source: DSWD Region V Bicol

    Leave a Reply