Sa layuning gawing mas ligtas at maayos ang pamumuhay ng bawat Bicolano, pinalalakas ng Police Regional Office 5 (PRO5) ang mga inisyatiba na nakatuon sa mas pinaigting na police visibility patrols, community engagement, at serbisyong malapit sa puso ng publiko.
Ang patuloy na presensya ng kapulisan sa mga lansangan, pampublikong lugar, at pamayanan ay hindi lamang bahagi ng trabahong pulis kundi isang konkretong hakbang para pigilan ang krimen, itaguyod ang disiplina, at muling itanim ang tiwala ng taumbayan sa kapulisan.
Kasabay ng pagpapaigting ng seguridad, isinusulong din ng PNP Bicol ang mas malalim na pakikipag-ugnayan sa komunidad. Layunin nito na hindi lamang kilalanin ang kapulisan bilang tagapagpatupad ng batas kundi bilang tunay na kaagapay sa pang-araw-araw na buhay ng mamamayan.
Tiniyak PRO5 na hindi ito titigil sa pagbibigay ng pinakamahusay na serbisyo sa mga Bicolano. Sa tulong ng aktibong suporta ng komunidad at lokal na pamahalaan, patuloy nitong isusulong ang isang mas ligtas, disiplinado, at maunlad na rehiyon.
Source: PNP Kasurog Bicol
