Wednesday, May 8, 2024

Iriga: PNP Bicol kaisa ang bawat Pilipino sa paggunita ng National Flag Day

- Advertisement -

Ang Himpilan ng Pulisya sa Rehiyong Bicol sa pamumuno ni PBGEN MARIO A REYES, RD ay kaisa ng bawat Pilipino sa pagbibigay respeto at pugay sa watawat ng Pilipinas bilang paggunita sa National Flag Day simula ika-28 ng Mayo hanggang ika-12 ng Hunyo.

Kaugnay nito isinagawa ang pagtataas ng bandila ngayong araw, Mayo 28, 2022 sa harapan ng PRO5 Grandstand. Ito ay bilang simbolo ng pagiging tapat at Makabayan ng bawat miyembro ng PNP Bicol.

Bilang pagbabalik tanaw sa kasaysayan ng bansa, bago ang pagsiklab ng Rebolusyon sa Pilipinas noong 1896, walang sariling pambansang watawat ang mga Pilipino. Ang watawat ay tahing-kamay nina Marcela Mariño Agoncillo katulong ang kanyang anak na si Lorenza at si Delfina Herbosa Natividad, pamangkin ni Dr. Jose Rizal. Dinala ni Heneral Emilio Aguinaldo ang watawat noong bumalik siya sa Pilipinas mula sa Hong Kong noong 19 May 1898.

Unang ipinakita ni Heneral Emilio Aguinaldo sa publiko ang watawat ng Pilipinas noong ika-28 ng Mayo 1898 upang ipagdiwang ang tagumpay ng pwersang Pilipino laban sa mga Kastila sa Labanan sa Alapan.

Ngunit, naganap ang opisyal na pagtaas ng watawat ng Pilipinas sa Kawit, Cavite nang iproklama ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo 1898.

Ang taunang selebrasyon ng National Flag Day ay pagpapakita nang pagkilala sa mga bayaning nagsakripisyo ng kanilang mga buhay upang makamit ang kasarinlan ng Pilipinas laban sa mga mananakop.

Source: PNP Bicol

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img