Saturday, May 4, 2024

Iriga: Pinakaunang OTOP Nook inilunsad sa lalawigan ng Camarines Norte

- Advertisement -

Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) Camarines Norte Provincial Office ang pinakaunang OTOP Nook sa lalawigan ng Camarines Norte noong nakaraang Huwebes, Abril 11, 2024.

Isinagawa ang naturang aktibidad sa Bagasbas Lighthouse Hotel & Resort, sa Brgy. Bagasbas, Bayang ng Daet, sa naturang probinsya.

Una nang ipinatupad ang “OTOP Nook” sa lalawigan ng Albay noong kasagsagan ng COVID-19 Pandemic. Ang pagpapatupad nito ay isinagawa na sa iba’t ibang lugar sa rehiyon Bicol.

(Photo courtesy of DTI Region V Bicol)

Ito ay dahil sa mga positibong puna at magandang resulta na naidulot nito, mas lalo na sa larangan ng sales.

Matatagpuan ang OTOP Nook sa mga nangungunang mga hotel, restaurant, at mga resort. Ang nabanggit na nook ay isang karagdagang platform na kung saan maaaring gamitin ito ng mga OTOPreneurs sa pagsulong at pagpapalaganap ng market sa kanilang mga produkto.

(Photo courtesy of DTI Region V Bicol)

Napagsisilbihan ng OTOP nook ang general mainstream market mapa-lokal o mga turista man na mga mamimili, na kung saan ang nabanggit nang one-time shop offer ay nakapagbibigay ng de-kalidad na OTOP products bago ang mga ito ay tumaas sa premium market at iba pang high-end marketing platforms.

Sa ngayon, mayroon nang 15 “OTOP Nooks” ang inilunsad at pinapangalagaan magmula nang ito ay ipinatupad sa Rehiyon Bicol noong taong 2021. (Digz Martinez, Jr.)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img