Legazpi City – Naitala ng Provincial Health Office (PHO) ang pagtaas ng kaso sa dengue ngayong taon sa Albay.
Ayon sa huling datos ng PHO-Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), tumaas ang kaso ng 7.88% mula sa kabuuang bilang na naitala mula Enero hanggang Oktubre na 2,258, umakyat na ito sa 2,436 ngayong Nobyembre.
Nananatili naman sa lima ang mga nasawi dahil sa naturang sakit na may katumbas na 0.21% case fatality rate mula Enero hanggang Nobyembre.
Samantala, patuloy naman ang disease surveillance ng PHO at mahigpit na pagpapaalala sa publiko na iwasan ang stagnant water na maaaring pamugaran ng lamok at magdala ng nasabing sakit.
(Source: Albay PIO)
