Iriga: LPA na nakapaloob sa ITCZ, mataas ang tyansang maging bagyo sa susunod na 24 oras – PAGASA

    0
    18
    photo courtesy of Albay PIO

    Legazpi City – Mataas na ang tyansang maging ganap nang bagyo sa susunod na 24 oras ng binabantayang low pressure area (LPA) na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

    Ayon sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huli itong namataan sa layong 170 km silangan, timog-silangan ng Tagum City, Davao del Norte.

    Dagdag pa ng state weather bureau, bunsod ng mga kaulapang dala ng naturang LPA, patuloy na nararanasan ang mga pag-ulan sa buong Visayas, at Mindanao region hanggang sa araw ng Biyernes, ika-20 ng Disyembre.

    Samantala, magpapatuloy rin ang mararanasang kalat-kalat na mga pag-ulan na may kasamang moderate to heavy rainfall sa nalalabing bahagi ng bansa, at sa Eastern sections ng Southern Luzon partikular sa may Bicol Region, at Quezon dahil naman sa umiiral na shearline.

    Habang mararanasan pa rin ang light to moderate rainfall sa nalalabing bahagi ng Central, at Northern Luzon partikular sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), at Aurora dahil naman sa patuloy na pag-iral ng Northeast monsoon o amihan.

    Kaugnay ng mga pag-ulang mararanasan dahil sa mga nabanggit na weather systems, mahigpit na pinag-iingat ng ahensya ang mga nakatira sa mga low-lying, o flood-prone areas sa posibilidad ng pagbaha, at pagguho ng lupa.

    (Source: Albay PIO)

    Leave a Reply