Nagpakita ng kahandaan at dedikasyon ang PBGEN ANDRE P DIZON, Regional Director ng Police Regional Office 5, sa pagdalo sa mga aktibidad na may kinalaman sa seguridad at pagbibigay ng tulong ng kapulisan. Isa sa mga aktibidad na pinuntahan niya ay ang Security Coverage at Police Assistance sa kinatawan mula sa AKO Bicol Party List na si Representative Elizaldy S. Co sa Bicol International Airport, Daraga, Albay nitong July 16, 2024.
Bukod dito, naglaan rin ng tulong ang kapulisan sa Groundbreaking Ceremony ng Women’s Health and Child Care Specialty Center (Phase 1) Building sa Bicol Regional Hospital and Medical Center, Legazpi City, Albay. Kasama rin sa mga aktibidad na binigyan ng security coverage at police assistance ang Smart Program Payout Initiative Student Monetary Assistance for Recovery and Transition sa Embarcadero, Legazpi City, Albay.
Ang pagdalo ni PBGEN ANDRE P DIZON sa mga nabanggit na aktibidad ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon na panatilihing ligtas at mapayapa ang mga lugar na ito at malasakit ng kapulisan sa mga programa at proyekto na naglalayong magbigay ng tulong at pag-asa sa mga mamamayan.
(Source: PNP Kasurog Bicol)
