Iriga: Pamahalaang Lokal ng Albay, tiniyak ang sapat na suplay ng gamot sa lalawigan

0
5
photo courtesy of Albay PIO

Legazpi City – Nakahanda ang Pamahalaang Lokal ng Albay, sa mga gamot na kakailanganin sa oras na muling may banta ng bagyo sa lalawigan.

Ito ang binigyang-diin ni Provincial Health Office (PHO) OIC Dr. Estela B. Zenit.

Ayon sa opisyal, laging naka-alerto ang opisina, para agarang magbigay ng tulong medikal sa mga mga residenteng nangangailangan nito.

Aniya, may natitira pa mula sa tulong ng pamahalaan, iba’t ibang organisasyon at mga donasyon mula sa mga pribadong indibidwal na natangap ng opisina nitong Oktubre.

“Kasi dae mi pa nauubos talaga so mga nagarabot na mga bulong para sa Kristine,” saad ng opisyal.

Kaugnay nito, nananatiling naka-antabay naman ang PHO, para sa anumang kaso ng sakit na nakukuha sa baha, dala ng bagyo sa iba’t-ibang bahagi ng Albay.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply