Iriga: Pamahalaang lokal ng Albay nagpaalala sa publiko sa banta ng baha, landslide dulot ng mga pag-ulan bunsod ng Habagat

    0
    12
    photo courtesy of Albay PIO

    Mahigpit ang paalala ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Albay sa publiko sa posibleng banta ng baha at landslide bunsod ng patuloy na nararanasang pag-ulan sa lalawigan.

    Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Head Dr. Cedric D. Daep ang abiso ay kasunod ng heavy rainfall advisories na ipinalabas ng PAGASA sa pinakahuling weather bulletin nitong alas onse.

    Ayon kay Daep, hindi pa rin inaalis ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa gayundin dapat na iwasan muna ang pagpapalaot ng maliit na sasakyang pandagat.

    “May issuance kaya ang PAGASA na may heavy rainfall kaya manmanan sana an kang publiko, posibleng baha tapos landslide pero mas iwasan ang gilid kang salog tapos ang dagat lalong-lalo na sa west coast,” bahagi ng pahayag ni Daep.

    Kasunod nito ay nagpalabas na ng advisory ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa bisa ng PDDRMC-APSEMO Advisory 9-2024.

    (Source: Albay PIO)

    Leave a Reply