Iriga: Pagpapatupad ng Smoke-Free Policy sa mga tanggapan ng PGA, pinaigting

0
1

Mahigpit nang ipinagbabawal ang paninigarilyo sa loob at paligid ng mga tanggapan ng Pamahalaang Lokal ng Albay kasunod ng ipinalabas Memorandum Order No. 04 s. 2026 ni Albay Provincial Administrator Engr. Raul E. Rosal.

Batay sa inilabas na kautusan, kabilang sa ipinagbabawal ang aktong pagsisindi o paghawak ng nakasinding sigarilyo, tobacco products, pipe, pati na rin ang vape o electronic cigarettes.

Kabilang sa mga lugar na sakop ng naturang kautusan ang loob ng lahat ng government offices, conference halls, session halls, provincial hospitals, grounds, at iba pang pasilidad ng PGA.

Sakop din ng patakaran ang mga pampublikong lugar sa loob ng government premises gaya ng parking areas, gardens, at waiting areas.

Ipinagbabawal din ang paninigarilyo sa loob ng lahat ng government service vehicles, gayundin sa distansyang sampung metro mula sa mga entrance at exit ng mga gusali ng pamahalaan.

Layunin ng naturang kautusan na panatilihin ang malusog, ligtas, at productive work environment para sa lahat ng mga empleyado ng kapitolyo at sa mga kliyente o bibisita rito.

Source: Albay PIO

Leave a Reply