Iriga: Paglabag sa PD 449 (Tupada) Illegal na pagsasabong dalawang katao timbog

0
0

Arestado ang mga suspek na sina “Melvin”, 30 taong gulang, may asawa at “Marlon” 23 Taong gulang at pawang residente ng Barangay San Isidro, Baao, Camarines Sur sa aktong paglabag sa kasong illegal na pagsasabong PD 449 (Tupada).

Bandang 8:50 nitong umaga Enero 8, 2023 ng makatangap ng impormasyun ang himpilan ng pulisya ng Baao Municipal Station na kasalukuyang may nagaganap na illegal na pagsasabong o “Tupada” sa Brgy San Isidro, Baao, CamSur, agad naman nagsagawa ng berepikasyun ng nasabing impormasyun at dakong 10;30 ng umaga kasama ang operatiba ng 2nd PMFC, CSPPO sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ. DIVINO JOHN B. PELEA, OIC ay nagsagawa ng Anti-Illegal Gambling operasyun sa nasabing barangay na nagresulta sa pag-kaaresto ng dalawa.

Ang mga nakumpiskang piraso na ebidensya ay ang mga sumusunod; Dalawang (2) Live Fighting Cock. Isang (1) gaff (tari) at pitong (7) piraso ng isang daang piso (Php 700.00). Ang dalawang suspek sa kasalukuyan at mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Baao Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyun. (JV Navarro Verdeflor Jr.)

 (Source: Baao MPS)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here