Tiniyak ni Albay Governor Noel Ebriega Rosal ang pagbubukas ng Peñaranda Park sa publiko sa buwan ng Disyembre.
Sakop ng planong pagbubukas ang pagpapailaw sa parke upang mapakinabangan ng publiko ang pasyalan para sa mga recreational activities, at pagtitipon.
Sa kaniyang Report to the Albayanos, tiniyak ni Rosal na makikipag-ugnayan sila sa Department of Public Works and Highways 2nd District Engineering Office (DPWH 2ND DEO) para buksan “partially” ang naturang parke.
Ayon sa gobernador, layunin ng partial opening na bigyang-daan ang pagsasaayos ng parke partikular ang pagsasagawa ng concrete roofing nito upang maging ligtas ang bumibisita o ang publiko.
Sa kasalukuyan, patuloy pang nirerepaso ng Pamahalaang Lokal ang plano para sa naturang pagpapailaw at ang petsa ng partial opening ng Peñaranda Park.
Pagbibigay-diin ng gobernador, kailangang matiyak muna ang kaligtasan ng publiko sa gagawing pagbubukas kaya’t patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga iba’t ibang opisina ng Pamahalaang Lokal at sa DPWH.
Source: Albay PIO
